33.4 C
Manila
Saturday, February 22, 2025

Vilma Santos, nasa cloud nine pa rin dahil sa MMFF award

Tila nasa cloud nine pa rin ang premyadong aktres na si Vilma Santos matapos hiranging
Best Actress sa 49th Metro Manila Film Festival (MMFF), sa pelikulang “When I Met You in
Tokyo”.


Napansin ng fans na tila mangiyak-ngiyak at paulit-ulit na nagpapasalamat si Vilma habang
tinatanggap ang trophy, na tila baga, virgin pa siya kung sa pagtanggap ng award ang pag-
uusapan.


“I’m sorry. Kasi hindi ko po ine-expect ito. Ang adbokasiya lang po namin talaga when we
did “When I Met You in Tokyo”, it’s not even the Best Actress or Best Actor [award], we just
wanted to do a simple love story sa edad po namin. Pero ang talagang adbokasiya po namin ay maging successful ang MMFF and at the same time, mabalik po sana ‘yung mga tao sa sine,” saad ni Vilma.

BASAHIN  Korte, kinatigan ang TVJ sa “Eat Bulaga” ownership


Pinapurihan ni Vilma ang kanyang ka-love team na si Christopher “Boyet” de Leon. Aniya,
“Si Yetbo po ang nagbigay ng motivation na’to sa ‘kin. So, this award, malaking malaking
parte po nito ang aking associate director, none other than my love team — Mr. Christopher
de Leon!”


Bukod sa pagkapanalo ng star for all seasons, nagwagi rin ang kanilang pelikula ng “FPJ
Memorial Award for Excellence”, 4th Best Picture Award, at Best Float.

BASAHIN  Contis, nabigla sa desisyon ng korte sa ‘Eat Bulaga trademark; “HapiHouse” mas bagay na titulo

About Author

IBA PANG MGA BALITA

Stay Connected

830,000FansLike
50FollowersFollow
87,000SubscribersSubscribe

KARAGDAGANG MGA BALITA