Home Metro Manila ‘Oplan paalala, Iwas paputok’ ng BFP, umarangkada na

‘Oplan paalala, Iwas paputok’ ng BFP, umarangkada na

0
Advertisement

Umarangkada na ang caravan ng Bureau of Fire Protection para sa kanilang kampanya na “Oplan paalala, Iwas paputok.”

Nagsimulang umikot kaninang umaga ang nasa tatlumpung fire trucks sa ilang lugar sa Metro Manila.

Inilunsad ng BFP ang naturang kampanya upang itaas ang kamalayan ng publiko at maiwasan ang firecracker-related incidents.

Kasalukuyang naka-full alert status ang BFP bilang bahagi ng kanilang paghahanda sa pagsalubong sa taong 2024.

Advertisement
Show comments
Exit mobile version