Siyamnaput anim na porsyento ng mga Pilipino ang nagsabing sasalubungin nila ang bagong taon nang may pag-asa.
Batay sa survey ng Social Weather Stations, mas mataas ang nasabing numero kumpara noong 2022 na nakapagtala ng 95%.
Samantala, tatlong porsyento naman ang nagsabing sasalubungin nila ang taong 2024 nang may pangamba, na mas mababa kumpara sa 5% noong 2022.
Isinagawa ang naturang survey mula December 8 hanggang December 11, 2023 sa pamamagitan ng face-to-face interviews sa 1,200 indibidwal na edad labingwalo pataas.