Tatlo sa pinakamalaking organisasyon ng mga negosyante sa bansa ang magsasanib-pwersa para makalikha ng isang milyong trabaho sa 2024.
Ang tatlong business groups ay ang Employers’ Confederation of the Philippines (ECoP), Philippine Chamber of Commerce and Industry (PCCI) at Philippine Exporters Confederation Inc. (PhilExport).
Sinabi nitong Miyerkules ni Sergio Ortiz-Luis Jr., pangulo ng ECop ang “Project Jobs” ay pinag-aaralan ng kanilang grupo magmula pa noong 2021, at hindi naisakatuparan dahil sa pandemic pati na rin ang pagbabago ng liderato ng bansa.
Bubuuin sa Enero 2024 ang secretariat ng “Project Jo bs” at susundan ito nang paglulunsad ng isang digital platform para sa mga naghahanap ng trabaho, para mabilis silang makasali sa programa.
Nagkaroon daw nang maraming meetings ang ECoP, PCCI, PhilExport tungkol sa “Project Jobs”, hinihintay na lamang nila ang pormal na paglulunsad ng programa.
“Our member companies will soon conduct joint job fairs [as part of the initiative]. There are also plans to hold training and seminars to ensure that potential hires are qualified for the jobs to be offered,” saad ni Ortiz-Luis.
Idinagdag pa niya na kapag ang job-matching mechanisms ng secretariat ay nakumpleto na, at mula roon, ang mga kumpanya sa ilalim ng tatlong business groups ay iaanunsyo ang mga bakanteng trabaho.
Layunin ng proyekto na matulungan ang mga naghahanap ng trabaho, at para matiyak ng bawat kumpanya na yaon lamang pinaka-kwalipikado ang kanilang matatanggap.
“What makes Project Jobs unique is that now, we are targeting people from the informal sector. It is estimated that 86 percent of the country’s workforce are [now] in the informal sector. There are many qualified workers out there who have never gotten the chance to work for a company. We want to tap this sector… and give them a chance to enjoy the stability of the formal sector,” pagtatapos ni Ortiz-Luis.