Nakapagtala ang pamunuan ng Parañaque Integrated Terminal Exchange ng mahigit 1.6 milyong pasahero mula December 15 hanggang 26.
Ayon kay PITX Corporate Affairs Officer Kolyn Calbasa, nahigitan nito ang 1.3 million passengers noong nakaraang taon.
Naitala ang pinakamataas na bilang ng mga pasahero noong Sabado, December 23, na umabot sa 240,000.
Kaugnay nito, inaasahan ng pitx ang pagdagsa ng mga pasahero hanggang sa January 3, 2024, na posibleng umabot sa 2.6 million.
Related Posts:
About Author
Show
comments