Magtipid sa kuryente – Gatchalian

0

“Maging masinop sa paggamit ng kuryente.”

Ito ang panawagan ni Senador Win Gatchalian sa publiko habang ipinagdiriwang ang mahabang holiday season kung kailan nasa peak ang konsumo ng kuryente.

“Magsilbing paalala sana ang National Energy Consciousness Month, hindi lamang sa buwang ito kundi sa buong taon, para makita natin ang kahalagahan ng responsableng paggamit ng kuryente,” saad ni Gatchalian.

Idinagdag pa niya na anumang responsableng paggamit ng enerhiya ay hindi lamang para sa pagtitipid ng pera, matitiyak din natin ang pagbabawas ng environmental impact dahil dito.

Ang Disyembre ay idineklara na National Energy Consciousness Month sa ilalim ng Proclamation No. 1427 upang ipaalala sa publiko ang kahalagahan nang pagtitipid sa enerhiya.

Ayon kay Gatchalian, ang inaasahang pagdating ng El Niño phenomenon sa sususnod na taon ay nagbibigay-diin na kailangan talagang magtipid sa enerhiya.

“Dahil ang El Niño phenomenon ay nagdudulot nang mas mainit kaysa sa karaniwang kondisyon ng panahon, maaaring magdulot ito ng pagtaas ng konsumo sa kuryente dahil sa pagtaas din ng demand. Kaya kailangang tiyakin na ang bansa ay may sapat na suplay ng enerhiya upang matugunan ang pangangailangan ng kuryente,”sabi ni Gatchalian.

About Author

Show comments

Exit mobile version