NASA, DENR, magkatulong para luminis ang hangin

0

Inanunsyo kamakailan ni Secretary Maria Antonia Yulo-Loyzaga na lalagda ang Department of Environment and Natural Resources (DENR) katuwang ang National Aeronautics and Space Administration (NASA) para sa isang kasunduan para mapahusay ang kalidad ng hangin sa rehiyon.

Ayon sa kasunduan, sisikapin ng DENR kasama ang US Environmental Protection Agency (US EPA) at Ministry of Environment ng Japan na bumuo ng mga bagong proyekto na tutulong para maging malinis ang kalidad ng hangin.

“We are happy to announce it’s almost signing-ready, that is an agreement with NASA—we’ve been hard at work at this agreement and this has to do with air quality in the region. Air quality, as you know, is related to climate, and so we are trying to cover as much as possible both land, water and air in terms of building the capacity in the DENR,” saad ni Loyzaga.

Idinagdag pa niya na umaasa ang ahensya na makatutulong daw ang kasunduan para magkaroon nang pagkakataon ang EMB at iba pang bureau ng DENR na makakuha ng mga bagong kaalaman, teknolohiya, at experise ng kanilang partners.

Balak din ng DENR na magsagawa nang inisyatibo para mabago at mai-update ang mga batas ng bansa tungkol sa proteksyon ng kalikasan.

About Author

Show comments

Exit mobile version