Mahigit 161-K passenger arrivals, naitala ng BI

0
203

Nakapagtala ang Bureau of Immigration ng  kabuuang 161,664 passenger arrivals mula nitong December 23 hanggang 25.

Sa naturang bilang, 81% ng mga pasahero ang dumating sa Ninoy Aquino International Airport.

Batay pa sa datos ng ahensya, umabot naman sa 130,497 ang passenger departures sa nabanggit na mga petsa.

Bago ang pandemya, nakapagtala ang BI ng 55,000 daily arrivals at 47,000 daily departures noong December 2019.

BASAHIN  Sagot ni Mayor Vico kaugnay sa artikulong inilathala ng BRABO News

About Author