33.4 C
Manila
Monday, December 23, 2024

Partner ni Pokwang, na-deport

Kinatigan ng Bureau of Immigration ang petisyon ng komedyanteng si Pokwang na mai-deport ang dati niyang live-in partner na si William Lee O’Brian.

Dahil blacklisted din ng BI si O’Brian, noong Disyembre 12, iniutos ng ahensya ang pagpapaalis kay O’Brian.

Sa walong pahinang resolusyon na nilagdaan nina Commissioner at Deputy Commisioners, respectively, na sina Norman Tansingco, oner Joel Anthony Viado at Daniel Laogan, nag-isyu na sila ng Warrant of Deportation laban kay O’Brian.

Ang deportation ay nag-ugat sa kanyang paglabag sa working visa at kanselasyon ng kanyang pre-arranged working vista.

Ayon pa sa resolusyon, lumabag si O’Brian sa mga tuntunin nang kanyang pananatili sa bansa dahil lumabas siya sa pelikula, sa teatro, ang mga programa sa TV.

BASAHIN  CHR, zero badyet sa 2024; isa-legal ang Aborsyon, nais nito?

Matatandaang naghain ng deportation case noong Hunyo si Pokwang laban kay William Lee O’Brian ito’y dahil sa pang-aabusong pinansiyal, pag-abandona sa kanilang anak na si Malia, at paulit-ulit na pananakot.

“Nagpapasalamat ako sa Panginoon dahil pinakinggan niya ang aking mga dasal na magkaroon ng hustisya ang nangyari sa akin at sa aking anak. Lubos din akong nagpapasalamat sa lahat ng

aking mga kaibigan at tagasuporta na sinamahan ako sa bahagi na ito ng buhay ko,” saad ni Pokwang.

BASAHIN  Pekeng kumpanya na nakakuha ng work visa, sisiyasatin — Hontiveros

About Author

IBA PANG MGA BALITA

Stay Connected

830,000FansLike
50FollowersFollow
78,000SubscribersSubscribe

KARAGDAGANG MGA BALITA