Patay ang siyam na hinihinalang rebelde ng New People’s Army sa operasyon ng militar sa Malaybalay City, Bukidnon.
Batay sa ulat ng 4th Infantry Division ng Philippine Army, nagsagawa sila ng air strikes at ground-based attacks laban sa mga rebeldeng komunista sa hinterlands ng Barangay Can-Ayan, Kibalabag, Kulaman, at Mapulo kaninang madaling araw.
Walong baril naman ang narekober mula sa kanilang ikinasang operasyon.
Una nang nagdeklara ng unilateral ceasefire ang Communist Party Of The Philippines mula December 25 hanggang 26, bilang paggunita sa ika-55 anibersaryo ng pagkakatatag nito, at bilang pakikiisa rin sa tradisyunal na selebrasyon ng kapaskuhan.