33.4 C
Manila
Wednesday, January 22, 2025

AFP, palakasin ang kahandaan

Idiniin ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., nitong Biyernes na dapat daw palakasin ng Armed  Forces of the Philippines (AFP) ang paghahanda nito sa harap nang lumalalang tensyon sa West Philippine Sea (WPS).

Ayon kay Marcos, dapat tiyakin ng AFP na napapanahon at epektibo ang mga ginagawa nitong paghahanda para pangalagaan ang ating soberanya. Tiniyak niya na buo ang suporta ng kanyang administrasyon sa hukbong militar.

Tiniyak muli ng Pangulo na 100 percent ang commitment ng Marcos administration para suportahan ang anomang inisyatibo ng AFP para matugunan ang anomang banta mula sa loob at labas ng bansa.       

Giit pa niya, committed umano ang kanyang administrasyon na suportahan ang anumang inisyatibo basta’t para sa Hukbong Sandatahan.

Ayon kay Speaker Ferdinand Martin Romualdez na ang pangako ng Pangulo ay makikita sa 2024 National Budget na binigyan nang malaking pagtaas ng pondo ang sektor ng depensa mula sa 2023 badyet nito na P203.4 bilyon na umangat sa P285.69 bilyon para sa 2024.

BASAHIN  Ika-2 regular session ng 19 th Congress, binuksan na

Kasama sa itinakdang pondo ang pagpapalawak at modenisasyon ng airport sa Pagasa Island na nagkakahalaga ng P1.5 bilyon, gayundin ang P800 na inilaan para sa konstruksyon ng shelter port sa Lawak Island, na pinakamalapit sa Palawan na kung saan nakadaong ang BRP Sierra Madre.

Ang Lawak Island ay may sukat na 7.93 ektarya at 3.79 ektarya rito ay idineklara ng Palawan Council for Sustainable Development Staff (PCSDS) dahil sa nanganganib maubos ang mga pambihira o kakaibang ibon dito; may potensyal din ang lugar para sa pangingitlog ng green sea turtles. Ito ay nasa ilalim ng munisipyo ng Kalayaan.

BASAHIN  Gretchen, sumemplang sa Switzerland

About Author

IBA PANG MGA BALITA

Stay Connected

830,000FansLike
50FollowersFollow
87,000SubscribersSubscribe

KARAGDAGANG MGA BALITA