Tinukoy ng Manila Electric Co. ang tatlong lugar sa franchise area nito na pwedeng maglagay nang maliit na nuclear power plants para matugunan ang lokal na pangangailangan.
Sinabi ni Meralco EVP at COO Ronnie Aperocho, na ayon sa isang pre-feasibility study na malaki ang posibilidad na ang Talim Island sa Lalawigan ng Rizal; San Rafael, Bulacan, at Isla del Provisor sa Maynila ay potensyal na paglalagyan ng micro-modular reactors, o MMR.
“We have already started the pre-feasibility study, except for the critical part because some sites identified by the Department of Energy are outside the Meralco franchise area. Since this is a Meralco undertaking, we want to have them (the plants) within our franchise area,”ani Aperocho.
Hindi raw dapat mag-alala ang Meralco customers sa paglalagay ng mini nuclear power plants sa mga target na lugar dahil sa ligtas naman daw ito, at pwedeng gumamit ng underground structural design.
Nabili na raw ng Meralco ang lupain na paglalagyan ng mini nuclear power plants.
Mayroong pakikipagtulungan ang US-based Ultra Safe Nuclear Corp.,(USNC) para pag-aralan ang iba pang mga lugar na bansa na pwedeng pagtayuan ng MMR.
Kapag tuluyan nang natapos ang proyekto, inaasahang bababa ang presyo ng kuryente sa service areas ng MMR.