33.4 C
Manila
Monday, December 23, 2024

Malinis na tubig, mahalaga lalo na kung may El Niño – Poe

“Mahalaga na laging may dumadaloy na malinis na tubig sa bawat tahanan. Sana naman hindi na ito kailangan pilahan ng ating mga kababayan kapag may El Niño,” ito ang opisyal na pahayag ni Senador Grace Poe kamakailan.

Ang pagtitiyak ng Metropolitan Waterworks and Sewerage System (MWSS) na naghanda ito nang tuluyan para sa inaasahang El Niño ngayong taon ay nakababawas nang kabalisahan ng mga konsyumers na kinakailangang bunuin ang mahahabang pila kapag bumagsak ang suplay ng tubig.

“We will continue to work for the passage of our bill creating a Department of Water Resources (DWR) to lead and consolidate a whole-of-society efforts for the comprehensive and integrated development and management of water resources, “ ayon pa kay Poe.

BASAHIN  Libreng Wi-Fi sa pampublikong paaralan – Poe

Kailangan daw natin ang DWR sa harap nang patuloy na lumalaking demand sa malinis na tubig dahil sa tumataas na bilang ng populasyon at dumaraming mga negosyo sa bansa.

Ang preparasyon daw ng MWSS at water concecionnaires lalo na sa El Niño ay dapat na may katuwang na angkop na polisiya para hindi na mahirapan ang ating mga kababayan tuwing magkakaroon ng krisis sa tubig.

BASAHIN  Lisensya ng Angkas rider na nagtangkang nangmolestiya ng pasahero, suspindido

About Author

IBA PANG MGA BALITA

Stay Connected

830,000FansLike
50FollowersFollow
78,000SubscribersSubscribe

KARAGDAGANG MGA BALITA