33.4 C
Manila
Wednesday, January 22, 2025

Creek na pinatituluhan daw ng mga Villar, sanhi ng pagbaha?

Sinisisi ng mga may-ari at residente ng apat na subdibisyon sa Parañaque City ang Wing-An Garden Resort na siyang sanhi ng mga pagbaha dahil sinakop daw nito ang Baloc-Baloc Creek sa lungsod.

Buwelta naman ni Engr. Selwyn Lao, may-ari ng resort na ang kumpanya nina dating Senate President Manny Villar at Senador Cynthia Villar ang dapat sisihin.

Iginiit ni Lao na ang creek malapit sa kanyang resort ay gawang-tao at na-construct para mapalitan ang tunay na creek na diumano ay ni-reclaim at ginawang lote ng subdibisyon sa Camella Classic Homes (CCH).

“Why is it that in my years of communicating with the Department of Environment and Natural Resources (DENR), they have not taken any action on this issue, not even one step?… If they are true to their work, they should be concerned because that is their mandate. So, how come no action was taken at all?” reklamo ni Lao.

Sinabi ni Lao na siya talaga ang naging biktima , dahil hindi niya na-develop ang kanyang lupain sa loob ng 20 taon dahil hindi matiyak ang mga hangganan nito. Idinagdag pa niya na possible raw malaki ang sabwatan sa pagitan ng mga opisyal ng gobyerno at mga Villar.

BASAHIN  2 wanted arestado sa Quezon City

Hindi raw madali ang magpatitulo ng creek, pero nagiging madali raw ito dahil diumano, malamang na kasabwat ang DENR dito, dagdag pa ni Lao.

“The [Baloc-Baloc] creek, people have told me, is not the real creek because the real creek was acquired by former Senate President Manny Villar under his name and turned into a road and subdivision lots,” ani Lao.

Hinamon ni Roselle Cabuslay, marshall, CCH homeowners’ association na ipakita nito ang kanyang titulo sa man-made creek para diumano’y mapanagot ang mga Villar sa serye ng pagbaha sa lugar sanhi nang “pagkawala” ng orihinal na Baloc-Baloc creek.

Samantala, sinabi ni Engr. W. Juan na hindi na kailangang hintayin pa ang usad-pagong na kilos ng DENR tungkol sa isyu sa pagitan ni Lao at mga Villar. Dapat lamang kumuha ng malaking kopya ng mapa ng Parañaque at kanugnog na lugar mula sa NAMRIA, na naimprenta bago pa 1960, at noong 1970, at 1980, para maikumpara ito sa Google map ngayon. Malinaw dito kung sino ang nangamkam ng lupa o creek.

BASAHIN  Anti-Agri Smuggling Bill, nakatengga, mga kongresista busy sa PI?

Sakaling may kaso nga ng land-grabbing, may makulong naman kaya?

About Author

IBA PANG MGA BALITA

Stay Connected

830,000FansLike
50FollowersFollow
87,000SubscribersSubscribe

KARAGDAGANG MGA BALITA