Tila gusto ng isang tao na maging Prime Minister dahil hindi siya mananalo sa pagka- Presidente.
Ganito ang sinabi ni Senator Imee Marcos nang tanungin sa panibagong interes na magkaroon ng Charter change o Cha-cha sa Mababang Kapulungan.
“Ang kulit naman. Talagang sinabi na ni [President Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos Jr.] na di napapanahon kasi dapat nakatutok tayo sa hanapbuhay ng tao at sa presyo ng bigas at bilihin,” saad ni Imee.
“At dalawang beses na binasura yan nang todo-todo ng senado. bat ba pinagpipilitan..? Baka may gusto mag-Prime Minister na hindi manalo sa Presidente,”dagdag pa niya.
Matatandaang sinabi ni Speaker Martin Romualdez, pinsan ni Imee at ng Pangulo na nais niyang maipasa ang Cha-cha para maalis ang limitasyon ng Konstitusyon sa banyagang pamumuhunan at capital.