33.4 C
Manila
Saturday, December 21, 2024

Retirees, tuturuang magnegosyo ng PTTC

Nag-partner ang Philippine Trade Training Center (PTTC) ng DTI at ang kumpanyang Monde Nissin Corporation (Nissin) para sanayin sa entrepreneurship ang retirees.

Lumagda sa isang kasunduan nitong Miyerkules ang PTTC at Nissin para gamitin ang Monde Nissin University-School of Lifelong Learning.

Nilagdaan ang Memorandum of Agreement nina PTTC Executive Director Nelly Dillera at Monde Nissin People and Culture director Luz Mercurio.

Pinili ng PTTC ang Nissin para magsagawa ng training sa mga nag-retire na kawani para sila’y mag-transition sa pagiging entrepreneurs.

Magsisimula ang unang batch ng trainees sa Marso 2024.

“Being the first of its kind, we aim to enrich Monde Nissin University’s School of Lifelong Learning by providing skills development programs that will support the would-be retirees of the company,” ayon kay Mercurio.

BASAHIN  Pagtaas ng presyo ng mga bilihin, asahan sa unang quarter ng 2024

Ang School of Lifelong Learning ay naglalayung bigyan ang mga kawani ng Nissin ng mga kasanayang kanilang kailangan matapos magretiro. Ang programa ay magtuturo ng kasanayang pinansiyal para maging isang matagumpay na entrepreneur.

Ang programa ay kombinasyon ng classroom-style sessions, virtual learning platforms, mentorship and coaching programs, and hands-on practical expertise para malinang ang teknikal na kakayahan at managerial abilities ng mga magre-retire na kawani para umunlad sa bagong larangan nang pagnenegosyo.

BASAHIN  Nadine Lustre, baog daw kaya mag-aampon na lang?

About Author

IBA PANG MGA BALITA

Stay Connected

830,000FansLike
50FollowersFollow
78,000SubscribersSubscribe

KARAGDAGANG MGA BALITA