33.4 C
Manila
Saturday, December 21, 2024

Tumaas sa 18,200, mga napatay sa Gaza

Nagkaroon nang pinakamaiinit na labanan nitong Lunes sa Gaza Strip, na pumatay nang 18,200 Palestinians at 104 Israeli soldiers.

Nagsimula ang gulo noong Oktubre 7, matapos atakihin ng militangteng grupong Hamas ang Southern Israel na pumatay sa 1,200 Israelis at daan-daang hostage na kanilang dinala sa Gaza.

Nagbabala ang Hamas na ang natitirang 137 hostages ay hindi na mabubuhay pa, maliban na lamang kung pagbibigyan ng Israel ang kanilang demands at palalayain ang Palestianian prisoners.

Patuloy pa rin ang brutal na labanan sa Gaza. Sinabi ng militanteng Islamic Jihad na pinasabog nila ang isang bahay sa Khan Yunis, Timog Gaza habang naghahanap nang pasukan sa isang tunnel ang IsraelDefense Forces (IDF).

BASAHIN  92 sa 131 Pinoy sa Gaza, nais magpa-rescue

Hinimok ng IDF na magtungo sa timog para makaligtas pero patuloy nitong binobomba ang buong lugar.

Nasawi ang pitong anak ni Mohammed al-Jabri sa isang air strike, matapos na lumikas mula sa Gaza City.

Ayon sa ulat ng Hamas health ministry, umabot na sa 18,205 ang nasawi sa pambobomba ng IDF, karamihan dito ay mga babae at bata.

Samantala, sinabi ni Josep Borrell, top diplomat ng European Union na mas malala pa ang pagkawasak ng Gaza kaysa doon sa naranasan ng Germany noong World War II.


BASAHIN  Alternatibo sa girian sa WPS inilatag ng ilang eksperto sa depensa, seguridad

About Author

IBA PANG MGA BALITA

Stay Connected

830,000FansLike
50FollowersFollow
78,000SubscribersSubscribe

KARAGDAGANG MGA BALITA