Pantulong sa moral na aspeto para sa mga PWD, mababasa na online

0
244
Photo credit: jw.org

“NOONG taong 1980, nakaranas ako ng car accident kung saan nagtamo ako ng matinding pinsala,” ang kwento ni Elizabeth Lopez.

“Tumagal ang pinsalang ito at naapektuhan ang ibabang parte ng aking likod na nagpahirap sa akin sa paglalakad nang walang tungkod. Ang pamumuhay na may kapansanan ay talagang mahirap at maaaring nakakadismaya kung minsan. Komplikado maging ang mga simpleng gawain tulad ng pagpunta sa grocery store,” dagdag pa ni Lopez.

Isa lamang si Lopez sa anim na tao sa buong mundo na nabubuhay ng may kapansanan, kasama na ang dementia, pagkabulag, pagkawala ng isang bahagi ng katawan, o pagkalumpo, ayon sa World Health Organization (WHO).

Noong ika-3 ng Disyembre 2023, ipinagdiwang ng mga bansa sa buong mundo ang International Day of Persons with Disabilities, na itinatag ng United Nations taong 1992 para “isulong ang pag-unawa sa mga isyu sa kapansanan.”

Ipinaliwanag ng WHO na ang “hindi pantay-pantay na kalagayang pangkalusugan ay nagmumula sa hindi makatarungang mga kalagayan na kinakaharap ng mga taong may kapansanan, kabilang na ang mga negatibong pangmalas, diskriminasyon, kahirapan, hindi pagtanggap sa edukasyon, pagtatanggal sa trabaho at mga hadlang na kinakaharap sa mismong sistema ng kalusugan”

“Nakakalungkot, hindi na bago ang pagpapabaya sa mga may kapansanan,” ang sabi ni Normito Zapata Jr., tagapagsalita ng mga Saksi ni Jehova sa Southern Luzon.

“Sinasabi ng Bibliya na, kahit libu-libong taon na ang nakalilipas, ang mga may kapansanan ay pinagsasamantalahan at inaabuso. Pero, dahil sa pag-ibig sa kanila, ginawa ng Diyos na labag sa batas ang pagmamaltrato sa kanila. Bukod pa diyan, hinikayat pa niya ang kaniyang bayan na magpakita ng awa sa kanila. Ang mga tunay na mananamba ng Diyos sa ngayon ay nagsisikap din na gawin ito,” dagdag pa ni Zapata.

BASAHIN  Handa ka na ba kapag dumating ang di-maiiwasang kalamidad?

Itinatampok ng pandaigdig na pagtuturo ng mga Saksi ni Jehova ang mensahe ng Bibliya tungkol sa pag-asa sa hinaharap kung saan wala na ang mga kapansanan.

“Kapag nagiging mahirap na ang kalagayan, ang pananalangin kay Jehova at pagbubulay-bulay sa pangako ng Bibliya sa Isaias 35:5,6 ang nagbibigay sa akin ng kaaliwan at pag-asa,” ang sabi ni Elizabeth, isa sa mga Saksi ni Jehova.

“Nananabik ako sa panahon na ang lahat ng may pisikal na kapansanan ay permanente nang gagaling,” dagdag pa niya.

Higit pa sa pangangaral tungkol sa magandang kinabukasan, ang mga Saksi ni Jehova ay nag-aalok din ng mga praktikal na payo kung paano matagumpay na makapagtitiis kahit may kapansanan sa ngayon. Ang mga bumibisita sa jw.org, ang opisyal na website ng mga Saksi ni Jehova, ay maaaring sumangguni sa isang malawak na koleksyon ng mga paksa sa isang seksyon na may titulong “Pagharap sa mga Kapansanan.”

BASAHIN  Mahusay na edukasyon, para sa maunlad na pamayanan

Bukod sa mga impormasyong ito, naglalaman din ito ng napakaraming artikulo at mga video online na nagtatampok ng mga indibidwal na nahanap ang layunin ng kanilang buhay sa kabila ng kapansanan.

Halimbawa, sa video na may pamagat na “Living by Touch,” inihayag ni James, pinanganak na bingi at kalaunan ay nabulag, “Ang pagkaalam kung sino ang aking Tagapaglikha, at na maaari akong magkaroon ng kaugnayan sa kaniya, ay nagbigay ng layunin sa aking buhay sa kabila ng pagiging may kapansanan. Pakiramdam ko, mas marami ang nakuha ko kaysa sa nawala sa akin.”

Inaanyayahan ang publiko na bisitahin ang jw.org, ang opisyal na website ng mga Saksi ni Jehova. Ang lahat ng nilalaman nito ay walang bayad at walang kinakailangang registration.

About Author