33.4 C
Manila
Tuesday, July 2, 2024

PBBM, muling nag-positibo sa Covid-19

Muling nag-positibo sa ikatlong pagkakataon si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa Covid-19.


Sinabi ng Presidential Communications Office (PCO) na kinakailangang mag-isolate ang
Pangulo sa loob ng limang araw, ayon sa payo ng kanyang mga doktor.


Siniguro ng PCO na maayos ang kundisyon ng kalusugan ng Pangulo dahil mild lang naman
ang epekto ng Covid-19, kaya patuloy pa rin niyang magampanan ang kanyang tungkulin.


Tuloy-tuloy pa rin ang mga naka-schedule na meeting ng Pangulo via teleconferencing.
Marami rin siyang pinirmahang mga dokumento.


Matatandaang noong Marso 2020 at Hulyo 2022, nag-positibo na si Marcos sa Covid-19.


Samantala, pinayuhan ng Department of Health (DoH) ang publiko na mag-ingat sa “walking pneumonia” at iba pang respiratory diseases sa pamamagitan ang pagsusuot ng face mask, lalo na sa mga matataong lugar.

BASAHIN  Rommel Marbil ng “Sambisig” ’91, bagong hepe ng PNP

About Author

IBA PANG MGA BALITA

Stay Connected

830,000FansLike
50FollowersFollow
78,000SubscribersSubscribe

KARAGDAGANG MGA BALITA