Isang babae sa Pasig City ang dinakip ng mga otoridad kamakalawa ng hapon, matapos mag-isyu ng talbog na tseke.
Kinilala ang suspek na si Alyas Maria, 56-anyos, isang negosyante, residente ng Barangay Dela Paz, Pasig City.
Nabatid na kinikilalang Most Wanted Person ang suspek dahil sa 19 Counts na paglabag sa Bouncing Check Law.
Ayon kay PCol. Celerino Sacro, Jr., hepe ng Pasig City Police, inihain ang warrant of arrest na inisyu ni Hon. Theresa Dizon, Presiding Judge ng Metropolitan Trial Court Branch 155, Pasig City, kung saan binigyan ng pagkakataon ang suspek na makapagpiyansa ng P444,000 para sa kanyang pansamantalang kalayaan.
Dinala naman ang suspek sa Pasig custodial facility para sa imbestigasyon habang hinihintay kung maglalagak ito ng piyansa.