Wala nang atrasan ang gagawing transport strike ng grupong Pinagkaisang Samahan ng mga Tsuper at Operators Nationwide o PISTON simula sa Lunes, Nobyembre 20, na tatagal hanggang sa araw ng Huwebes, Nobyembre 23.

Ayon sa grupong PISTON, ang ikakasang tigil-pasada ay bilang pagtutol sa nakaambang deadline sa aplikasyon ng franchise consolidation sa ilalim ng PUV modernization program sa December 31.

Iginiit pa ng naturang transport group na hindi sapat ang itinakdang panahon ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board o LTFRB dahil marami pang dapat na ayusin at hindi kakayanin ng mga tsuper ang malaking gastos.

Maliban dito, malaki rin anila ang magiging epekto nito sa kabuhayan ng kanilang mga tsuper at operators.

BASAHIN  Protest caravan ng grupong Manibela at PISTON, kasado na

Samantala, nanindigan naman ang Department of Transportation na hindi nila iuurong ang deadline ng consolidation para sa mga tradisyunal na jeepney.

Magbibigay naman ang ahensya ng libreng sakay sa Metro Manila upang walang maapektuhan na commuters sa bantang transport strike ng grupong Piston.

ReplyForward