33.4 C
Manila
Wednesday, January 22, 2025

Hulihin, gumagamit ng kotseng may plakang ‘8’

SINABI ni General Reginald Velasco, House Secretary na ang House of
Representatives na ilegal ang paggamit ng protocol car plante na “8” dahil hindi
raw naglabas ng opisyal na car plates para sa mga kongresista ng nakaraang
taon.


Ginawa ni Velasco ang pahayag, matapos makatanggap ng report na may ilang
sasakyang may plakang ‘8’ ang nahuhuli ng mga tauhan ng Metropolitan Manila
Development Authority (MMDA), dahil sa paglabag sa batas-trapiko, partikular
ang pagpasok sa EDSA Busway Lane.


Ayon sa ulat, kasama umano ang SUV ng isang Congressman Christopher Co
sa mga nahuli, pero nalaman ng MMDA na walang ganitong kongresista na
miyembro ng 19 th Congress.


“The House of Representatives has not released, or authorized the use of official
plates for vehicles of House Members,” saad ni Velasco.


Kaugnay nito, nag-request si Velasco sa Land Transportation Office (LTO) at sa
MMDA na kaagad na hulihin at tikitan ang bawat driver ng mga kotse o
sasakyang may car plate na ‘8’ at kumpiskahin ang mga nabanggit na peke o
expired na plaka.

BASAHIN  Bitay uli ngayon sa Singapore Isa pang Flor Contemplacion?


“I am seeking representation with the Land Transportation Office and the Metro
Manila Development Authority to apprehend the drivers of vehicles bearing “8”
plates and confiscate the expired or spurious plates,” ayon kay Velasco.

Napag-alaman ni Velasto na matagal nang paso ang nabanggit na plaka – na
inisyu pa noong 17th Congress – ang ginamit ng nahuling driver sa ESDA
busway.


Nilinaw ng secretary-general na hindi raw naglabas ng protocol plates ngayong
19th Congress para sa mga kongresista.


Samantala, hiniling ng ilang observers sa LTO at PNP na maglatag ng check
points para mahuli at papanagutin ang mga motoristang ilegal na gumagamit ng
protocol plates o pekeng car plantes, hindi lamang ang number “8” kundi pati na
rin iba pang plaka ng matataas ng opisyal ng gobyerno.

BASAHIN  MMDA sa LGUs: Magtalaga ng fireworks display zones

About Author

IBA PANG MGA BALITA

Stay Connected

830,000FansLike
50FollowersFollow
87,000SubscribersSubscribe

KARAGDAGANG MGA BALITA