33.4 C
Manila
Monday, December 23, 2024

Pag-iisyu ng TIN ID cards ng BIR, dapat higpitan – Gatchalian

HINILING ni Senador Win Gatchalian sa Bureau of Internal Revenue (BIR) na maging mas
mapanuri at mas mahigpit sa pag-iisyu ng tax identification number (TIN) IDs.
Kasunod ito nang pagkakatuklas ng mga naturang ID sa opisina mismo ng isang Philippine
Offshore Gaming Operators (POGO) sa Lungsod ng Pasay.


Napag-alamang sangkot sa iba’t ibang kriminal na aktibidad ang POGO, na gustong gawing
lehitimo ang status sa trabaho ng kanilang mga Tsinong empleyado sa pamamagitan nang
pagpapanggap na Pilipino.


Ang mga iniisyu na TIN ID ng BIR, ani Gatchalian, ay walang mga larawan na nagpapahintulot
sa mga naturang ID na magbigay ng maayos na pagkakakilanlan sa mga indibidwal na sangkot
sa mga krimen.


“Dahil ang mga sindikato ay nakakakuha ng mga ID ng gobyerno tulad ng mga TIN ID, ang mga
dayuhang mamamayan na sinasabing nagtatrabaho para sa mga POGO ngunit aktwal na
sangkot sa mga organisadong krimen, paglilinaw ni Gatchalian.

BASAHIN  Pagmamalasakit, ipakita sa mga tao – VP Duterte


“Panahon na para palitan ang mga lumang ID na iyan,” sabi ni Gatchalian.


Sa isang pagdinig na isinagawa ng Senate Committee on Women, sinabi ni Presidential Anti-
Organized Crime Commission (PAOCC) USec. Gilbert Cruz na lehitimo at bahagi ng BIR
database ang mga nasamsam na TIN IDs mula sa Smart Web Technology, Inc., isang POGO
company sa Pasay City na ni-raid ng mga awtoridad kamakailan.


Kasunod ng pagkakatuklas na ito, binibigyang-diin ang kritikal na pangangailangan para sa BIR
na muling bisitahin ang proseso ng pag-iisyu nito ng ID, kasama ang updated security measures
at komprehensibong identification features, ani Gatchalian.


Bukod sa mga TIN ID, narekober din ng mga awtoridad ang mga Philhealth ID, Certificate of
Alien Registration, Alien Employment Permit, at police clearance sa Smart Web Tech na may
provisional license na galing na Philippine Amusement and Gaming Corporation o PAGCOR.


Natagpuang mayroong prostitution den at torture chamber ang nasabing POGO company.

BASAHIN  EcoProv lamang ang dapat baguhin—Gatchalian


Bukod sa prostitusyon, pinaniniwalaang sangkot din ang Smart Web sa iba pang krimen gaya ng
labor trafficking at iba’t ibang scam.


Hindi pa malinaw kung kinasuhan na ng awtoridad ang mga sangkot sa mga krimeng ito.

About Author

IBA PANG MGA BALITA

Stay Connected

830,000FansLike
50FollowersFollow
78,000SubscribersSubscribe

KARAGDAGANG MGA BALITA