33.4 C
Manila
Wednesday, January 22, 2025

‘Kangaroo Court’ ni Gordon, nagpakulong sa Pharmally Officials

TILA isang “kangaroo court” ang lumitis sa mga opisyal ng Pharmally noong 2021.
Ito ang tinuran ng defense counsel ng Pharmally na si Atty. Ferdinand Topacio.
Ito’y dahil sa ginawa ng Korte Suprema (KS) na pagpapawalang-bisa sa kautusan ng Senate
Blue Ribbon Committee (BRC) laban sa mga ehekutibo ng phrmaceutial firm na Pharmally,
noong Setyembre 10, 2021 na sila ay ikulong sa Pasay City Jail.
Pinangunahan noon ni Senador Richard Gordon ang komite.
Sa desisyon noong Marso – pero inilabas lamang nitong nakaraang linggo – sinabi ng KS na
nakagawa ng “grave abuse of discretion” ang Senate BRC.
Kumuwestiyon sa utos ng Komite ang dalawang petisyon na nai-file ng executives ng Pharmally
na sina Lincoln Ong and Michael Yao Hung Ming.
Ayon sa panel ni Gordon, natagpuan nila na guilty ng “contempt” ang dalawa at inutusan ang
Senate sergeant-at-arms na ikulong sila sa Senado, at kinalaunan ay sa Pasay City Jail.
Naikulong si Ong samantalang si Yao ay nagtatago at hindi pa mahanap kung nasaan.

BASAHIN  Estudyante patay sa sampal ni teacher

Sa 50-pahinang desisyon na isinulat ng ponente nito na si Associate Justice Henry Inting,
naging unanimous ang boto ng Korte Suprema. Idinagdag pa nito na walang linaw kung may
kapangyarihan ang Kongreso na parusahan ang resource persons na nagbigay ng malabo o
mapang-iwas na sagot habang gumagawa ng imbestigasyon para makatulong sa paggawa ng
batas.
Sinabi pa ng desisyon, “The Committee’s grave abuse of discretion lay in its precipitate act of
citing petitioners Ong and Yang in contempt and ordering their arrests without giving them the
opportunity to be heard.”
Samantala, sa kanyang opisyal na pahayag, sinabi ng isa sa mga abogado ng Pharmally na si
Ferdinand Topacio, “truly being the last and most steadfast bastion of justice and the rule of law
in our country.”
Sinabi pa diumano ni Topacio na ang desisyon na iutos na makulong ang kanyang mga kliyente
ay nagpapakita lamang na kinumberte ni Gordon ang Blue Ribbon Committee sa panahon nang
pagdinig bilang isang “kangaroo court” para isulong ang kanyang political agenda.
Idinagdag pa niya na ang desisyon ng KS ay isang hakbang para maihinto na ang pang-aabuso
ng Senado laban sa resource persons na sapilitang pinasasagot sa mga tanong, kahit na ito’y
paglabag sa kanilang karapatang pantao, pati na ang prinsipyo ng “self-incrimination”.

BASAHIN  Allowance ng mga guro, magiging ₱10K na

About Author

IBA PANG MGA BALITA

Stay Connected

830,000FansLike
50FollowersFollow
87,000SubscribersSubscribe

KARAGDAGANG MGA BALITA