BAGAMAN divorced na sa United States sina Carla Abellana at Tom Rodriguez, kailangang pa
rin na ito’y kilalanin ng gobyerno ng Pilipinas.
Nang tanungin kahapon sa presscon ng GMA-7 new drama series, sinabi ni Carla, “Kumbaga
‘yung ating local court, tatanggapin po nila ‘yon and kailangan po nila i-recognize ‘yung ‘yung
divorce decree tapos i-update po ‘yung status namin dito.
Ayon sa research ng BraboNews, sa ilalim ng Article 26, EO No. 209, S 1987, o Ang Family
Code of the Philippines, ang diborsyo sa pagitan ng isang Pilipino at banyaga ay maaaring
kilalanin ng Pilipinas, basta ang diborsyo ay valid o legal sa bansang mayroong divorce law.
Kailangan din na ito’y pinagtibay o authenticated ng embassy o consulate na kung saan
naganap ang diborsyo. Dahil isang American citizen si Tom kaya siya nakapag-file ng divorce
sa Amerika.
Nang tanungin tungkol sa kanilang annulment case, sinabi ni Carla, “Hindi po annulment… and
there’s no need for annulment since sa Philippine law, hindi naman po sa parang obliged sila
but they have to recognize that foreign decree, ‘yun po ‘yung magiging status.”
Ayon sa mga naunang report, diumano, domestic violence at pambababae ni Tom ang ilan sa
mga pangunahing dahilan kung bakit gusto na noon na maipa-annul ni Carla ang kanilang
kasal. May mga bali-balita rin na kahit ilang buwan pa lamang silang kasal, nagkarelasyon
diumano si Tom sa isang babae – isa raw tuwirang pambabastos at pagka-walang galang ni
Tom sa legal na asawa, ayon sa ilang netizens.
Matatandaang ikinasal sina Carla at Tom noong Oktubre 23, 2021. Ilang buwan pa lamang ay
kumalat na ang balitang naghiwalay na sila.