Umaabot sa ₱27,587,500 halaga ng mga smuggled cigarettes ang nasabat ng pinagsanib na puwersa ng Bureau of Customs (BOC) at Naval Forces Eastern Mindanao (NFEM) papasok ng Port of Davao, Biyernes ng umaga.
Ang operation ay naganap matapos makatanggap ng tip na may paparating na bangka na kargado ng mga puslit na kargamento.
Kabilang sa mga nasabat ang 35,850 reams ng assorted cigarettes na nakalagay sa 717 master cases.
Matatandaang nasabat din noong September ang nasa ₱54,988,000 smuggled cigarettes.
Naganap din noong March ang pagkakahuli sa aabot sa ₱19 million halaga ng smuggled cigarettes sa Davao Del Sur.
Patuloy pa ring naka-monitor ang BOC para mahuli ang mga negosyante na patuloy na gumagawa ng illegal at matapos na ang kanilang negosyong nakasisira
ng kalusugan.