33.4 C
Manila
Monday, December 23, 2024

200 Bata, pinatay ng kulto sa Surigao?

IBINUNYAG ni Senador Risa Hontiveros nitong Lunes, na mahigit 200 bata at sanggol
ang namatay sa Sitio Kapihan sa Surigao del Norte, sa lugar na kinaroroonan ng kultong
Socorro Bayanihan Services INC. (SBSI).


Sa huling pagdinig ng Senado, ginawa ni Hontiveros ang pagbubunyag matapos
makatanggap ng impormasyon mula sa ilang taga SBSI na diumano, mahigit 200 bata at
mga sanggol ang namatay sa nasabing lugar.


“In fact, if our informants are to be believed, higit 200 ang namamatay na mga bata from
the ages of newborn to 4 years old,” saad ni Hontiveros.


“If this is true, why so many dead babies? Why are we allowing children to die?” aniya
pa.


Ibinahagi ni Randolf Balbarino sa huling pagdinig ng Senate committee on public and
dangerous drug  kung paano namatay ang kanyang anak sa Sitio Kapihan noong 2020.
Inilad niya na nanganak ang kanyang asawa noong ika-14 ng Disyembre 2020 sa
function hall-delivery area at ospital ng kulto.

BASAHIN  NBI, GCash sanib-pwersa vs online scams


Ayon kay Balbarino, lumabas umano ang sanggol na una ang paa. Nais nilang dalhin
ang asawa sa pinakamalapit na ospital, pero pinigilan silang makalabas ng Sitio
Kapihan.


Samantala, sinabi ng isang legal researcher na may pananagutan ang tao o mga taong
nagbabawal sa magulang ng isang sanggol o bata na may life-threatening na kundisyon
o sakit na madala sa ospital, parang lumalabas na ang nagbabawal ang may criminal
liability sa pagkamatay ng biktima.


Natapos na ang pagdinig sa Senado nitong Lunes nang tanggapin at basahin ni Senador
Bato de la Rosa ang warrant of arrest na inisyu ng isang Korte sa Surigao. Dahil walang
piyansa ang ilan sa 21 mga kasong isinampa laban kina Senyor Aguila o Jay Rence
Quilario at sa 12 iba pang suspek, sila ay pansamantalang ikukulong sa detention
facility sa Metro Manila, habang dinidinig pa ng Korte Suprema ang kahilingan ng
National Bureau of Investigation na ilipat ang pagdinig sa Maynila o sa ibang lungsod.

BASAHIN  Belgica nanawagan ng Con-Con forum

About Author

IBA PANG MGA BALITA

Stay Connected

830,000FansLike
50FollowersFollow
78,000SubscribersSubscribe

KARAGDAGANG MGA BALITA