Mag-asawa kulong sa estafa

0

Magkasabay na inaresto ang mag-asawang sangkot sa pag-iisyu ng talbog na tseke sa ikinasang manhunt operation ng Navotas City Police, kamakalawa ng umaga.

Ayon kay Navotas police chief P/Col. Mario Cortes, unang inaresto si alyas “Marites” 48-anyos, meat vendor at residente ng Blk 49 Lot 5 Alupihang Dagat St. Brgy. Longos bandang 11:20 ng umaga habang ang asawa nito na si alyas “Dodgie” sa nahuli sa Naval St. Brgy. Sipac Almacen bandang 6:00 ng gabi.

Isinagawa ng mga tauhan ng Warrant and Subpoena Section (WSS) sa pangunguna ni P/SMS Alano Quisto ang pagdakip kay Marites sa bisa ng inilabas na warrant of arrest ni Judge Edison F Quintin ng Malabon City Metropolitan Trial Court Branch 55 para sa  two counts na paglabag sa Batas Pambansa Blg, 22 habang isinilbi sa kanyang asawa ang arrest warrant na inilabas naman ni Caloocan City Metropolitan Trial Court (MTC) Presiding Judge Esteban V. Gonzaga ng Branch 50 para naman sa three counts ng palabag sa Anti-Bouncing Check Law.

Ayon kay Col. Cortes, hindi lamang sa Malabon MTC may nakabimbing kaso ng paglabag sa Anti-Bouncing Check Law si alyas Maritess dahil isang warrant ang isinilbi sa kanya ng mga tauhan ng WSS sa pangunguna naman ni P/Cpl. Ervin Montederamos ang isa pang warrant of arrest na inilabas ni Caloocan City Metropolitan Trial Court Presiding Judge Esteban V. Gonzaga ng Branch 50 para sa panibagong dalawang bilang na kasong paglabag din sa BP-22 habang nasa Custodial Facility ng Navotas Police Station.

Inaalam pa ng pulisya kung may iba pang nakasampang reklamong paglabag sa Anti-Bouncing Check Law sa tanggapan ng mga piskalya sa Caloocan, Malabon, at Navotas laban sa mag-asawa na hindi pa umaakyat sa hukuman upang maabisuhan ang mga complainant.

About Author

Show comments

Exit mobile version