Construction worker huli sa warrant sa Pasig

0

Arestado ang isang construction worker matapos lapagan ng warrant of arrest sa kasong robbery,  kamakalawa ng hapon sa 

Kinilala ni PCol. Celerino Sacro, Jr, hepe ng Pasig Police, ang akusado na si alyas  “Bungo”, 21-anyos, construction worker at residente ng Barangay Pinagbuhatan, Pasig City 

Inaresto ang suspek sa bisa ng warrant of arrest na inisyu ni Hon. Rowena De Juan Quinagoran, Presiding Judge ng Regional Trial Court Branch 166, Pasig City sa two counts of Robbery sa ilalim ng Article 299 (A)(2) ng Revised Penal Code na may petsang October 26, 2023 na may  Criminal Case No. R-PSG-23-02599-02560-CR  at may nirekomendang piyansa na nasa P72,000.00.

Ayon sa report, inaresto ang suspek bandang 4:55 kamakalawa ng hapon sa Kaunlaran Street, Barangay Pinagbuhatan, Pasig City kasama ang Warrant and Subpoena Section .

Kasalukuyang nakakulong ang suspek sa custodial facility ng Pasig City

About Author

Show comments

Exit mobile version