33.4 C
Manila
Saturday, February 22, 2025

Manyak ng Guimaras, huli sa Caloocan

Nasakote ng pinagsanib na puwersa Northern Police District-Special Operation Unit (NPD-SOU) at Guimaras, PIU Guimaras at Jordan MPS, Guimaras, ang isang vendor matapos lapagan ng warrant of arrest sa kasong Rape at  Acts of Lasciviousness, kamakalawa sa Bagong Barrio, Caloocan City.

Inaresto ang akusado na si alyas “Bernardo”, 41-anyos, vendor, at residente ng Barangay San Juan, Taguig City.

Bandang 5:30 ng hapon ng November 1, 2023 inaresto ang akusado sa kahabaan ng Gregoria De Jesus, Barangay 149, Bagong Barrio West, Caloocan City at nilapagan ng warrant of arrest na inisyu ni Hon. Rosario Abigail M  Dris-Villanueva, Presiding Judge, RTC 6th Judicial Region Branch 65 San Miguel, Jordan, Guimaras na may petsang July 20, 2015, sa kasong paglabag sa Rape mula sa Carnal Knowledge at Acts of Lasciviousness ng R.A. 7610.

BASAHIN  P 3.5-M shabu  nasabat sa 2 tulak sa Muntinlupa buy-bust

Samantala, pinarangalan naman ni PBGen. Rizalito Gapas, District Director ng Northern Police District (NPD), ang mga tauhan ng District Special Operation Unit (DSOU) sa pamumuno  ni PLtCol. Robert Sakes, Chief, DSOU, sa paghuli  sa suspek na listed bilang Most Wanted Person ng Guimaras

BASAHIN  Irish national kulong sa estafa sa Makati

About Author

IBA PANG MGA BALITA

Stay Connected

830,000FansLike
50FollowersFollow
87,000SubscribersSubscribe

KARAGDAGANG MGA BALITA