33.4 C
Manila
Monday, December 23, 2024

3 Bilanggo, nagdiwang dahil sa pagkapanalo sa BSKE

HINDI mapagsidlan ng saya ang tatlong bilanggo matapos silang manalo sa Barangay and
Sangguniang Kabataan Elections (BSKE) na ginanap nitong October 30.

Inianunsyo ng Commission on Elections (Comelec) ang pagkapanalo ng tatlong persons
deprived of liberty (PDL) sa nakaraang BSKE.

Ayon kay Comelec Chair George Garcia, pinayagan ng Comelec ang kanilang pagkakandidato
sa BSKE kahit sila’y PDL dahil dinidinig pa ang kaso ng bawat isa sa korte. Hangga’t hindi pa
nahahatulan ng guilty with finality ng Kataastaasang Korte ang bawat isa, ay pwede pa silang
kumandidato, kaya nga pinayagan ng Comelec na mag-file ng kandidatura ang tatlo.

Mula sa Calabarzon ang isa, samantalang ang dalawang nagwaging PDL, ay mula sa Region 10.

BASAHIN  Magna cum laude sa Bulacan, nag-gradweyt na ‘patay’

Hindi sinabi ng Comelec kung anong mga posisyon ang kanilang tinakbuhan.
Sa sandaling mapawalang-sala sila sa kanilang kaso sa loob ng kanilang termino, pwede nang
makaupo at makapaglingkod sa kanilang nasasakupan ang mga nagwaging PDL.


Sinipi ni Garcia ang desisyon ng Korte Suprema noong Marso 2022 na pinapayagan ang PDL
na bumoto at tumakbo sa lokal na lebel. Pero hanggang hindi pa sila napapawalang-sala sa
kani-kanilang kaso, hindi pa muna sila papapayagang makalabas at magpunta sa barangay
para magtrabaho.

BASAHIN  ₱500-B ayuda, pasok sa 2024 budget

About Author

IBA PANG MGA BALITA

Stay Connected

830,000FansLike
50FollowersFollow
78,000SubscribersSubscribe

KARAGDAGANG MGA BALITA