Arestado ang isang lalaki na wanted sa kasong carnapping sa isinagawang manhunt operation ng Caloocan City Police, kamakalawa ng hapon.
Kinilala ni Caloocan police chief P/Col. Ruben Lacuesta ang naarestong akusado sa alyas “John”, 23-anyos at residente ng Brgy., 178, Camarin.
Sinabi ni Col. Lacuesta na nakatanggap ng impormasyon ang Intelligence Section ng Caloocan police na naispatan ang presensiya ng akusado sa kanilang lugar.
Katuwang ang 4th MFC-RMFB NCRPO at Northern NCR Maritime Police, kaagad nagsagawa ng joint manhunt operation ang sa pangunguna ni P/Cpt. Ronald Allan Soriano na nagresulta sa pagkakaaresto sa akusado bandang 3:00 ng hapon sa Reparo St., Brgy.,178, Camarin.
Ang akusado ay dinakip sa bisa ng warrant of arrest na inisyu ni Presiding Judge Rodulfo P. Azucena ng Regional Trial Court Branch 125, Caloocan City noong August 18, 2023 para sa paglabag sa R.A. 10883 o New-Anti-Carnapping Act of 2016.
Ang akusado ay pansamantalang nakapiit sa Custodial Facility Unit ng Caloocan City Police habang hinihintay ang pagpapalabas ng commitment order ng korte