WALONG kilong bigas o P400!
Ito ang naiulat na presyo ng bawat tiket sa darating na Metro Manila Film Festival (MMFF) sa
Disyembre 25, 2023 hanggang sa Enero 7, 2024.
Sa isang interview, sinabi ni Senador Bong Revilla na sana, maging buy 1 – take 1 ang pagbili
ng tiket para sa MMFF simula sa darating na disyembre para maka-engganyo nang mas
maraming manonood.
Nauna na rito, sumang-ayon si Revilla na dapat babaan ang presyo ng tiket sa mga sinehan.
Pero ito raw ay isang mahabang usapin at kailangang din ang mahabang pakikipag-usap sa mga
may-ari ng sinehan, hindi lamang sa Metro Manila, kundi maging sa buong bansa.
Idinagdag pa ng mamababatas na matagal na nilang pinag-usapan sa ilang public hearings sa
Senado ang isyu, pero hindi pa rin natutuldukan ang problema sa mahal na cinema tickets.
Ayon kay Dan Fernandez, Kinatawan ng Lone District, Sta. Rosa City, dapat sana gawing P200
na lang ang presyo ng bawat tiket, para maging affordable, lalo na sa mga karaniwang
manonood.
Ayon sa report ng Pep.ph, sa isang interview kay direk Perci Intalan, pangulo ng Prodyuser ng
Mga Pelikulang Pilipino sa Asya, Inc. o PMPPA, sa ilang Senate hearings, sinabi niya na nais
daw ng kanilang grupo na maibaba ang presyo ng cinema tickets para maging mas affordable.
Mahigpit na kakumpetensya ng pelikulang Pilipino na ipinalalabas sa sinehan ang Netfix na sa
halagang P249 – P369 buwan-buwan, makapanonood na ang buong pamilya ng mga local at
foreign movies, kahit araw-araw.