33.4 C
Manila
Monday, December 23, 2024

Bahagi ng 750 balikbayan boxes, nai-release na sa ofws

HALOS isang taon nang naka-tengga sa Bureau of Customs (BOC) ang 750 balikbayan boxes,
pero hindi pa rin ito naire-release sa mga may-ari nito.


Dahil dito, lumapit nitong Setyembre 12 sa opisina ni Sen. Raffy Tulfo sina Rowena Agtarap at
Jennifer Yanong, bahagi ng 200 OFWs na nagreklamo para humingi ng tulong na mai-release
ang mga ito sa kanila at sa kapwa overseas Filipino workers (OFWs).


Ayon sa kanila, nagpabalik-balik na sila sa BOC para masolusyunan ang problema pero pinaikot
ikot lang sila nito kaya nagdesisyon na silang magtungo sa tanggapan ni Tulfo.


Noong araw ding iyon ay pinakilos ni Tulfo ang kanyang staff at tinawagan si Bureau of
Customs (BoC) Commissioner Buenvenido Rubio para asikasuhin ang 200 OFW-complainants.
Kinabukasan ay sinamahan ng staff ni Tulfo ang mga complainant sa BoC.

BASAHIN  Training ng AFP officials sa China itigil na –Tulfo

Dito ay nakausap nila si Michael Fermin, ang acting Deputy Commissioner for IAG. Pinabuksan nito ang container van na pinaglalagyan ng mga nasabing bagahe para makita kung naroroon pa rin ang mga balikbayan boxes. Nangako si Fermin na aasikasuhin ang dokumento para sa release ng mga ito.

Nitong Oktubre 26, sinimulan nang ipamahagi ng BoC ang mga balikbayan boxes na natengga
sa warehouse matapos abandonahin ng forwarding company.


Tatlong container trucks na naglalaman ng 750 balikbayan boxes ang isa-isang ipinamigay sa
pamilya ng mga OFW. Higit 30 na ang nakatanggap ng mga bagahe at itutuloy bukas ang
pamimigay nito.


Nagbayad na ang mga OFW sa mga overseas forwarder para sa shipping ng kanilang bagahe
pero ang local deconsolidators ay hindi nabayaran kaya hindi naihatid ang mga balikbayan box.
Kaya hiniling ng BoC na makipagtulungan ang mga OFW sa kanila para masampahan ng kaso
ang consolidators na nag-scam sa kanila.

BASAHIN  Magnitude 5.9 na lindol, yumanig sa Lubang Island


Lubos naman ang pasasalamat ng mga OFW at kanilang mga kamag-anak sa senador – na
Chair, Senate Committee on Migrant Workers – sa mabilis na aksyon nito.

About Author

IBA PANG MGA BALITA

Stay Connected

830,000FansLike
50FollowersFollow
78,000SubscribersSubscribe

KARAGDAGANG MGA BALITA