33.4 C
Manila
Wednesday, January 22, 2025

Bebot na lider ng vote buying, empleyado pala ng Malabon LGU

Buking ang raket ng isang babae na napag-alaman na empleyado pala ng Malabon City local government unit (LGU) matapos mahuli sa naganap ba raid ng mga tauhan ng Northern Police District (NPD) at Commission on Elections (COMELEC) Navotas City, kamakalawa.

Sa naganap na press conference ni Brgy. Captain Angelika Dela Cruz ng Longos Malabon, nalaman nila na ang suspek ay si Maribel Eugenio Policarpio na umanoy head ng Mayor’s Public Assistance and Service ng Malabon City Government. 

Buking si Maribel  sa nakumpiskang 1,213 sobre na may lamang tig- P300.00 bawat isa na may kabuuang P363,900.00 sa loob ng isang malaking bag, Miyerkules ng hapon sa M. Naval St., Brgy. San Jose, Navotas City.

Ikinalungkot ni Dela Cruz na ang Ilan sa mga nahuli na gagawing watchers ay kanyang mga constituents sa Barangay Longos Malabon City. 

Kaya naman, umaapela sya sa kanyang mga nasasakupan na huwag magpapasilaw sa pera kapalit ng kanilang boto. 

Pero depensa ni Policarpio sa mga pulis, training ng mga watchers ang naturang pagtitipon at hindi vote buying.

BASAHIN  WPS: Pilipinas ang nagdedesisyon, hindi ang US

Ayon kay NPD Director PBGen. Rizalito Gapas, nakatanggap sila ng tip kaugnay sa may nagaganap na vote buying sa Navotas kaya agad na binuo ang team 

Ayon sa report, nagtungo sila sa Mega Sardines Old Warehouse sa M. Naval St., Brgy. San Jose, Navotas City bandang 11:00 Miyerkules ng umaga at nasaksihan ang umano’y ‘training’ ng mahigit 200 katao na sinasabing  “Watcher’s Training” .

Nakita sa kanilang pagtitipon sa nasabing lugar na pinipilahan si Maribel para makakuha ng sobre sa mesa na naglalaman ng P300.00 at P500.00.

Pinatunayan naman ni Comelec Navotas City Election Officer Atty  Gregorio Bonifacio ang insidente dahil sa nakitang mga sobre na naglalaman ng pera na patunay na paglabag sa Omnibus Election Code. 

Nabatid na ang sobre ay ipapamigay sa mga botante ng Brgy. Longos, Malabon City, na umano’y kasama bilang  Watcher’s Training. 

Nakumpiska kay Maribel ang isang Prada Bag na naglalaman ng 1,213 sobre na may lamang P300.00 na umaabot sa P363,900.00 lahat at isang Acer Laptop na may pangalang “MARIBEL” at mga papel na naglalaman ng pangalan ng registered voters, contact numbers, precinct numbers, at photocopies ng assorted IDs.

BASAHIN  Pinoy pancit malabon, bihon, canton, nasa top 50 best sa buong mundo

Kasalukuyang nakakulong ang suspek sa Navotas City Police Station habang inihahanda ang kaso sa  City Prosecutor’s Office sa kasong paglabag sa COMELEC Resolution 10946, Section 261.

About Author

IBA PANG MGA BALITA

Stay Connected

830,000FansLike
50FollowersFollow
87,000SubscribersSubscribe

KARAGDAGANG MGA BALITA