SINABI ni Comelec Chair George Erwin Garcia na may posibilidad na mailabas na sa linggong
ito ang desisyon ng poll body sa disqualification cases (DQ) na isinampa laban sa mga
kandidato sa BSKE.
Umabot sa 7,000 kandidato ang naisyuhan ng Comelec ng show-cause orders, para
pagpaliwanagin sila kung bakit hindi sila dapat ma-disqualify dahil sa premature campaigning,
ayon kay Garcia.
Samantala, sa kaso naman ng vote-buying, mayroon ng 10 kandidate ang nasampahan ng DQ.
Inaasahang tataas pa ang bilang na ito habang lumalapit ang eleksyon sa Oktubre 30.
Umabot na sa 341 kandidato ang inisyuhan ng show-cause order at malaki ang posibilidad na
masampahan sila ng DQ, dahil sa ilegal na pagpapaskil ng kanilang campaign materials.
Pinaalalahanan ng Comelec ang lahat ng mga candidate sa BSKE na mahigit na ipinagbabawal
ang pangangampanya sa Okt. 29 at mismong sa araw ng eleksyon, sa Okt. 30.
Kahit na manalo ang isang kandidato, pwede siyang hindi muna paupuin hangga’t hindi nare-
resolba ang DQ laban sa kanya o kaya’y tanggalin na sa pwesto.