33.4 C
Manila
Monday, December 23, 2024

Driver laglag sa estafa

Arestado ang isang driver matapos hainan ng warrant of arrest ng Malabon City Police Station (MCPS) dahil sa kasong estafa sa Malabon City.

Sa report mula kay PCol. Jay Baybayan, OIC ng Malabon Police Station, inaresto sa bisa ng warrant of arrest ang suspek na nasa listahan ng  Most Wanted Person na si alyas Michael, 29-anyos, residente ng Barangay Longos, Malabon City. 

Bandang 10:45 Martes ng gabi inaresto ang suspek sa kahabaan ng M. H. Del Pilar St., Brgy. Maysilo, Malabon City nang lapagan ng warrant of arrest ang suspek na inisyu ni Hon. Merianthe Pacita Manzano Zuraek, Presiding Judge, Regional Trial Court, National Capital Judicial Region,

BASAHIN  5,085 na Pulis, ide-deploy sa NCR sa darating na pasukan

Branch 51, Manila na may petsang October 6, 2023 sa kasong five counts of Estafa through Falsification of Commercial Documents.Kasalukuyang  nakakulong ang suspek sa Malabon Custodial Facility

BASAHIN  1 huli sa baril sa 1-araw ng Election Gun Ban

About Author

IBA PANG MGA BALITA

Stay Connected

830,000FansLike
50FollowersFollow
78,000SubscribersSubscribe

KARAGDAGANG MGA BALITA