NAPANATILI ng Quezon City – sa tatlong magkakasunod na taon – ang pagiging pinakamayamang
lungsod sa buong bansa.
May naitala itong P443.40 bilyong assets sa pagtatapos ng 2022.
Ito ay batay sa ipinalabas ng Commission on Audit (CoA) nitong Oktubre 9, na 2022 Audit Financial Report (AFR) on Local Government Units (LGUs).
Binigyan nang tig-iisang kopya ng AFR ang Office of the President, Office of the Senate President at Office of the Speaker.
Ang taunang 2022 AFR sa mga local na pamahalaan ay sumasaklaw sa 81 lalawigan, 147 na lungsod at 1,487 na munisipalidad.
Ang top 10 sa pinakamayayamang lungsod ay ang mga sumusunod: 1. Quezon City (P443.40 bilyong assets), 2. Makati City (P239.47 bilyon), 3. Manila (P77.50 bilyon), 4. Pasig City (P52.15 bilyon), 5.
Taguig City (P40.84 bilyon), 6. Mandaue City (P34.23 bilyon), 7. Mandaluyong City (P32.55 bilyon), 8.
Cebu City (P30.54 bilyon), 9. Davao City (P29.70 bilyon), at 10. Parañaque City (P 27.37 bilyon).
Sa lalawigan, pinakamayaman ang Cebu Province na may P235.73 bilyong assets noong nakalipas na taon.
Ito ay mas mataaas ng P20.47 bilyon sa 2021.
Nasa ikalawa hanggang ikaapat na pwesto ang Rizal Province, Batangas, at Davao de Oro.
Dahil sa sumisiglang pagnenegosyo magmula nang alisin ang lockdown dahil sa Covid-19, maraming mga negosyo ang nabuksan at lumakas ang pakikipag-kalakalan sa mga pangunahing lungsod at lalawigan sa bansa.