33.4 C
Manila
Saturday, November 23, 2024

92 sa 131 Pinoy sa Gaza, nais magpa-rescue

IPINAHAYAG ng Department of Foreign Affairs ang pagnanais ng 92 mga Pilipino sa Gaza Strip – na naiipit sa digmaan ng Israel at Hamas group – na ma-rescue at maibalik sa Pilipinas.
Karamihan sa mga Pilipino sa Gaza ay nakapag-asawa ng Palestinian.

Hindi sila makaalis dito dahil sa total blockade ng Israel Defense Forces (IDF).


Sinabi pa ng DFA nitong Biyernes na maiuuwi na sa Pilipinas ang walong Filipino mula sa Israel sa
Oktubre 16.


“There are at least 22 Filipinos in Israel who have indicated that they want to go home. The first batch at – the government’s expense will be leaving on Oct. 16 – there are eight of them,” saad ni Foreign Affairs USec Eduardo De Vega sa isang TV interview.


Sinabi pa niya na kapag nakarating na rito ang 22, agad silang bibigyan nang angkop na tulong mula sa Department of Migrant Workers (DMW) at Overseas Workers Welfare Administration (OWWA).

BASAHIN  Sen. Jinggoy, nakiramay sa pamilya ng 2 OFWS na napaslang sa Israel


Kinilala na ng DFA ang ikatlong Pilipino na nasawi sa Israel conflict, siya ay si Loreta “Lorrie” Alcare, 49-anyos, isang caregiver na taga Negros Occidental.


Matatandaang ang sigalot sa pagitan ng Israel at teroristang grupong Hamas ay nagsimula noong Sabado, Oktubre 7, matapos magpaulan ng mahigit 5,000 rockets ang Hamas sa Israel at kinalauna’y lusubin ito ng mga armadong terorista.

Umabot sa 256 na mga nagpa-party ang naunang napatay ng Hamas sa Southern Israel.


Ayon sa CBS News, kahapon, umabot na sa mahigit 1,300 ang napatay at 3,400 ang nasugatan sa panig ng Israel, at mahigit 1,600 ang napatay at mahigit 6,000 ang nasugatan sa Gaza, na karamiha’y dahil sa pambobomba ng mga eroplano ng Israel.


Mayroong mahigit 30,000 mga Pilipino sa Israel at 131 sa Gaza Strip.

BASAHIN  16 Pinoys nakauwi na mula israel;hospital blast, dahil daw sa islamic jihad


Sinabi ng OWWA kahapon na nasa Alert Level 2 pa lamang ang inisyu ng ating gobyerno sa Israel,
samantalang Alert Level 3 sa Gaza (voluntary repatriation). Magiging mandatory repatriation lamang ito kapag umabot na ito sa Alert Level 4.

About Author

IBA PANG MGA BALITA

Stay Connected

830,000FansLike
50FollowersFollow
78,000SubscribersSubscribe

KARAGDAGANG MGA BALITA