NAG-ISSUE ang Land Transportation Office ng show cause order (SCO) laban sa isang driver
ng motorsiklo na inreklamo ng public disturbance sa Pasig City.
Ayon kay Roque Versoza III, regional director ng LTO-NCR, pinagpapaliwanag ang
rehistradong may-ari kung bakit hindi siya dapat managot sa paglabag sa tatlong traffic rules,
katulad nang hindi awtorisadong pagkakabit ng accesories at hindi awtorisadong paggamit ng
sasakyan.
Nag-isyu ng SCO ang LTO dahil sa reklamong natanggap ni LTO Chief Asst. Secretary Vigor
Mendoza II, tungkol sa sobrang ingay ng isang motorsiklo habang bumabaybay sa Barangay
Santolan, Pasig.
Nagbabala ang ahensya na kapag hindi siya nagpakita sa LTO Central Office sa Oktubre 16, ito
raw ay mangangahulugang tinatalikuran na niya ang kanyang karapatan sa prosesong legal.
“Nagpapatunay lamang ito na mabilis ang aksyon ng LTO sa mga reklamo, hindi lamang sa road
rage kung hindi (pati) na rin sa pag-aabuso sa kalsada,” saad ni Mendoza.
“Kaya hinihikayat natin ang ating mga kababayan na agad ipagbigay-alam sa inyong LTO ang
mga violation na may kinalaman sa road safety at public disturbance involving motor vehicles,”
pagwawakas ni Mendoza