COMPUTER at telepono na ang ginagamit ngayon sa panghoholdap ng bangko.
Ito ang sinabi ito ni Justice Secretary Jesus Crispin Remulla sa pagdinig ng Senado sa P34.486
billion na badyet ng Department of Justice (DOJ) at ng attached agencies nito sa 2024.
Kailangan daw nila nang mas malaking pondo para sa mga kagamitan sa NBI na makakasabay
sa gamit ng mga criminal kagaya ng mas mabilis na computers.
Samantala, sinabi ni Senator JV Ejercito na maliit lamang ang P475,000 na confidential at
intelligence fund (CIF) ng cybercrime office ng NBI.
Iginiit ni Ejercito na mababa ang pondong ito kung ihahambing sa ilang ahensya ng gobyerno na
civilian in nature pero humihingi ng mas malaking confidential funds.
Nilinaw pa ng senador na nahaharap ngayon ang bansa sa lumalawak na krimeng cybercrimes,
kaya dapat lamang na dagdagan ang CIF ng NBI, para makalaban sa ganitong krimen.
Ang kabuuang badyet ng NBI ay P175 million ang CIF, samantalang P250 million naman sa
Office of the Secretary.