33.4 C
Manila
Friday, November 15, 2024

Negosyante kinasuhan ng Perjury

Arestado ang isang negosyanteng manggagantso matapos ipagsinungaling na ninakaw ang P22.5M cash; limang mamahaling relo na nasa P12.8M; diamonds na P10M; at mga baril sa loob ng kanyang tindahan sa Barangay Toro, Quezon City, kamakalawa ng gabi.

Sa report ng Project 6 Police Station (PS 15) sa pamumuno ni PLtCol. Richard Mepania, inaresto ang suspek na si Bernard Chua, 40-anyos, businessman, at residente ng 130, Road 20, Brgy. Bahay Toro, Quezon City sa kasong perjury.

Ayon kay PMaj Don Don Llapitan, hepe ng Criminal Investigation and Detection Unit (CIDU), inaresto amg suspek bandang 4:00 ng madaling araw matapos i-report na may nagaganap na nakawan sa tindahan na kung saan anim na akyat-bahay members ang nanloob na may dalang mahahabanh armas, nakaitim na damit na pumasok sa  BC Cars Trading and Auto Services na matatagpuan sa nasabing address.

Kuwento pa ng suspek na puwersahang binuksan ng mga suspek ang pinto ng tindahan at nang makapasok ay nakuha ang P22.5M cash; limang mamahaling relo na naglakahalaga ng P12.8M; diamonds na P10M; isang Glock 19 9MM pistol P50,000.00; isang Glock 17 9MM Pistol P50,000.00; isang unit Rock Island revolver na P20,000.00; isang Bushmaster Rifle cal. 5.56 P125,000.00; isang Glock 43 9MM pistol P50,000.00; at isanc unit ng Sig Saucer P238 cal. 380 pistol P48,000.00 na nasa P68,143,000.00 ang kabuuang halaga ng mga baril.

BASAHIN  6 magkakasabwat sa droga, nalambat sa Cainta

Kinuha rin umano ng mga suspek ang Silver Lexus SUV, white Toyota Innova, Black Toyota Innova, green Yamaha Aerox, at black Honda Click motorcycle.

Samantala, base sa pagi-imbestiga ng CIDU, walang naganap na pagnanakaw  sa lugar at wala ring nakitang nakawan na CCTV footages na kung saan  ay inimbe to lang umano ng suspek ang nakawan kaya inaresto ang suspek.

Kinasuhan ang suspek ng paglabag sa Article 183 ng Revised Penal Code (RPC) o Perjury at nakatakdang basahan ng sakdal sa Quezon City Prosecutor’s Office.

Pinarangalan  naman ni PBGen. Redrico A Maranan  ang trabaho ng PS 15 sa paghuli sa suspek at sa masusing imbestigasyon sa kaso.

BASAHIN  Bebot huli sa buy bust, P81-K shabu nasabat sa Pasig

“Magsilbi sana itong  babala sa ating mga kababayan, na ang pagsisinungaling lalo na ang pagrereport ng isang krimen na hindi naman nangyari o gawa gawa lamang ay labag sa batas at may parusang pagkakakulong.

About Author

IBA PANG MGA BALITA

Stay Connected

830,000FansLike
50FollowersFollow
78,000SubscribersSubscribe

KARAGDAGANG MGA BALITA