33.4 C
Manila
Monday, December 23, 2024

Digmaan sa Israel:Pinoys, dinukot ng teroristang grupo

MATAPOS ang paglusob ng teroristang Hamas sa Israel nitong Sabado, na pumatay sa mahigit 1,000 at ikinasugat ng 2,500 mamamayan, nagdeklara ng digmaan ang gobyerno ng Israel laban sa grupo.


Ginantihan ng Israel ang mahigit 5,000 rockets na ipinaulan ng Hamas nitong Oct. 7, sa pamamagitan ng ilang air strikes na pumulbos sa ilang gusali sa loob ng Gaza Strip, na pinaniniwalaang headquarters ng Hamas.


Samantala, ayon sa CNN Philippines, inireport daw ni Marc Pleños, isang FilCom leader na nasa

Tel Avid, na nakatanggap siya ng ilang ulat na nawawala ang mga kaanak ng mga Pilipino, na
pinaniniwalaang kinidnap ng teroristang grupo na Hamas.


Ayon kay Pleños, “May mga tumatawag sa akin, isa po ‘yung asawa ng na-hostage at dinala sa Gaza.


Pero wala naman pong kumpirmasyon ang Israeli Army.” Sinabi pa ng babae na nakilala niya ang
kanyang asawa na isa sa mga kinidnap sa isang video footage na ipinalabas ng Hamas social media.

BASAHIN  5 patay matapos banggain ng JAL ang Coast Guard plane


Wala pang opisyal na pahayag ang ating embahada sa Israel na nagbibigay kumpirmasyon sa nawawala o dinukot na Overseas Filipino Workers.


Nauna nang inireport ng Israel Defense Ministry na mahigit 100 mga lalaki, matatanda, babae at bata, kasama ang ilang Amerikano, ang kinidnap ng grupong Hamas at dinala sa loob ng Gaza Strip, matapos ang pagpapaulan ng rockets nitong Sabado. Hindi pa malinaw kung may mga OFW na napatay o kasamang dinukot.


Mayroong halos 25,000 na Pilipino ang nagtatrabaho sa Israel bilang caregivers, at manggagawa sa hotels at iba pang estalisyemento, samantalang mayroon namang 200 OFWs sa loob ng Gaza Strip.


Dahil dito, kaagad inuusan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang Department of Migrant Workers
(DMW) at Overseas Workers Welfare Administration na hanapin ang i-account ang OFWs pati na ang kanilang pamilya sa Israel.

BASAHIN  Ex-First Minister ng Scotland, bumisita kay Tulfo


Nakikipag-ugnayan na rin ang Department of Foreign Affairs (DFA) at iba pang ahensya ng gobyerno sa ating embahada sa Israel at OFW associations sa bansa para makapag-bigay ng update sa kalagayan ng ating mga kababayan sa Israel.

About Author

IBA PANG MGA BALITA

Stay Connected

830,000FansLike
50FollowersFollow
78,000SubscribersSubscribe

KARAGDAGANG MGA BALITA