33.4 C
Manila
Thursday, January 23, 2025

Navotas Green Zone Park pinasinayanan

Dagdag pasyalan na naman sa mga pamilyang Navoteño matapos ang inagurasyon ng Navotas Greenzone Park Phase 3 na isa sa mga Adopt-a-Park projects ng Metro Manila Development Authority (MMDA).

Pinangunahan ni Atty. Romando Artes, acting MMDA chairperson, kasama sina Mayor John Rey Tiangco at Congressman Toby Tiangco, sa inagurasyon at pagbabasbas ng parke na matatagpuan R10, Brgy. North Bay Blvd. North.

“Despite the very limited land area in our city, we strive to provide Navoteños with parks and open spaces where they could safely relax and enjoy with their families.  We are fortunate to have partners, like MMDA, in making this possible,” ani Mayor Tiangco.

“MMDA has also pledged to develop the adjacent open spaces.  We hope to inaugurate these areas in the near future,” dagdag niya.

BASAHIN  Kakompetensya ng GrabCar na inDrive sinuspendi ng LTFRB

Pinaalalahanan naman ni Congressman Tiangco ang mga nasasakupan na gawin ang kanilang bahagi sa pagpapanatili ng kalinisan at kagandahan ng mga halamanan sa parke.

“We ask the cooperation of everyone in keeping our parks and other public venues clean. Most of the trees here were planted in the year 2000.  It just shows that if we take care of them, they will continue to flourish and even our children’s children will be able to enjoy them,” sinabi naman ni Cong. Tiangco.

Dumalo rin sa seremonya ang mga miyembro ng Navotas City Council; barangay officials; Director Francisco Martinez ng MMDA Health, Public Safety and Environmental Protection Office; at Director Sharon M. Gentalian ng MMDA Public Affairs Staff-Public Information Office.

BASAHIN  Daria ramirez sa ex na si Joey de leon: tulong!

About Author

IBA PANG MGA BALITA

Stay Connected

830,000FansLike
50FollowersFollow
87,000SubscribersSubscribe

KARAGDAGANG MGA BALITA