INIHAYAG ng Department of Justice (DoJ) na kailangang nito ang 2,000 prosekyutor at
abogado para palakasin ang kanilang hanay at mabilis na maipatupad ang mandato nito.
Sinabi ni Justice Secretary Jesus Crispin Remulla, ang karagdagang mga propesyonal ay ayon
sa `Bagong Pilipinas’ reform agenda sa ilalim ng administrasyon ni Pangulong Ferdinand
Marcos Jr.
Sa ngayon aniya, nahihirapan ang 246 prosecution office ng DoJ sa buong bansa. Dahil dito,
natatagalang ma-resolba ng ahensya ang mahigit isang milyong kaso na nakabimbin sa mga
hukuman sa buong bansa.
Matatandaang lumagda sina Remulla at Budget Secretary Amenah Pangandaman ng DoJ-
DBM Joint Circular upang matugunan ang “Staffing Standards and Guidelines for the National
Prosecution Service”.