33.4 C
Manila
Wednesday, January 22, 2025

Magna carta for PS Teachers, ihahain ni Gatchalian

MAGHAHAIN si Senador Win Gatchalian ng panukalang batas na maglalayong amyendahan
at gawing angkop sa kasalukuyang panahon ang Magna Carta for Public School Teachers o
Republic Act No. 4670.


Sinabi niya ito kahapon, Okt. 5, sa gitna nang pagdiriwang ng World Teachers’ Day.


Ilan sa mga bagong probisyong isusulong ni Gatchalian ang pagbibigay ng special hardship
allowance sa mobile teachers, pati na ang mga guro ng Alternative Learning System (ALS).


Nais ding isulong ng senador na makaiwas ang mga guro mula sa mga out-of-pocket expenses
at paggawa ng non-teaching tasks, ganoon din ang pagtataguyod ng karapatan ng mga guro at
ang pagdaragdag sa kanilang longevity pay.


Binigyang diin ni Gatchalian na kailangan ang ganap na pagpapatupad ng batas na layong
itaguyod ang kapakanan ng public school teachers.


Nalulungkot siya dahil 57 taon na ang lumipas simula nang maging batas ang Magna Carta,
ngunit may mga probisyon ang batas na hanggang sa ngayon ay hindi pa naipatutupad.

BASAHIN  Kandidatong barat, dapat iboto, payo ni Mayor Vico 


Isa sa mga probisyong ito ang Section 22, kung saan nakasaad na makakatanggap ang public
school teachers ng libreng annual physical examination. Bagama’t magmula noong 2019,
nagbibigay ang Department of Education (DepEd) na tulong pinansyal para sa kanilang check-
up, pero wala pa ring programa para sa taunang check-up ng mga guro gaya nang nakasaad sa
Magna Carta.


Ayon sa Section 26 ng batas, aakyat ng isang ranggo ang magre-retire na guro, at ang sahod sa
ranggo na iyon ang magiging batayan sa mga benepisyo ng retirement. Sa ngayon, ang average
na buwanang sahod na natanggap ng empleyado sa huling 36 buwan ng panunungkulan bago
ang retirement niya. Ito ang nagiging batayan sa kompyutasyon ng Government Service
Insurance System (GSIS).


Pinuna rin ni Gatchalian na sa ilalim ng Section 31 na may mandato ang DepEd Secretary na
magsumite ng panukalang pondo para sa pagpapatupad ng Magna Carta. Sa kabila nito, ang
ahensya ay nagsusumite lamang sa Kongreso ng kanilang panukalang pondo bawat taon.

BASAHIN  National school-wide free WI-FI, kasama sa digital education


“Napapanahon na upang tiyakin nating tumutugon ang Magna Carta sa mga pangangailangan
at hamong kinakaharap ng ating mga guro. Nakatakda tayong maghain ng panukalang batas na
mag-aamyenda sa Magna Carta, at magpapanukala tayo ng mga bagong probisyong siguradong
magtataguyod sa kapakanan ng ating mga guro,” ani Gatchalian, Chair, Senate Committee on
Basic Education.

About Author

IBA PANG MGA BALITA

Stay Connected

830,000FansLike
50FollowersFollow
87,000SubscribersSubscribe

KARAGDAGANG MGA BALITA