33.4 C
Manila
Wednesday, January 22, 2025

Reserve military force ng bansa, palakasin – Brawner

SINABI ni Armed Forces of the Philippines (AFP) chief-of-staff Gen. Romeo Brawner Jr.
na nais niyang palakasin pa ang buong puwersa ng AFP, mapa-regular man, o reserve
force.


Kailangan daw palakasin at mapahusay ang kabuuang pwersang-militar ng bansa para
mapanatili ang ating kahandaan.


Sinabi ito ni Brawner bilang pag-suporta kay Defense Secretary Gilbert Teodoro na
nagsabing nais daw niyang i-redesign ang reserve force paradigm ng hukbong sandatahan
ng bansa.


Kailangan daw kasing baguhin at gawing mas moderno ang ating kakayahang-militar dahil
sa lumalaking banta sa seguridad ng bansa, mula sa ibayong dagat.


Samantala, tiniyak kapwa nina Teodoro at Brawner ang kahandaan ng AFP at ng reservists
para labanan ang anumang banta sa soberanya ng bansa, pati na rin ang pag-responde sa
iba’t ibang kalamidad. Ginawa ang pagtitiyak sa ika-44 na National Reservist Week
Culminating Activityna ginanap sa Camp Aguinaldo, Quezon City.

BASAHIN  Mambabatas hinimok ang BFAR na tulungan ang mangingisda sa WPS

About Author

IBA PANG MGA BALITA

Stay Connected

830,000FansLike
50FollowersFollow
87,000SubscribersSubscribe

KARAGDAGANG MGA BALITA