33.4 C
Manila
Saturday, November 23, 2024

DENR, Sinuspindi ang kasunduan sa SBSI

SINUSPINDI ng Department of Environment and Natural Resources (DENR) nitong
Biyernes ang kasunduan sa pagitan ng ahensya at Socorro Bayanihan Services Incorporated
(SBSI) dahil sa maraming paglabag.


Ayon kay DENR Secretary Maria Antonia Yulo Loyzaga, iimbistigahan daw nila ang mga
paglabag sa kasunduang nakapaloob sa Protected Area Community-Based Resource
Management Agreement (PACBRMA).


Sinabi ng DENR na ini-award sa SBSI ang PACBRMA noong 2004, sa ilalim ng National
Integrated Protected Areas System Act of 1992, na naglalayung protektahan ang kalikasan
at mapanatili ang bio-diversity sa protected area.


Ang kasunduan ay magtatapos sa 2029, pero pwedeng kanselahin ng DENR kung may mga
paglabag.


Kasama sa kasunduan ang 353 ektaryang lupain na matatagpuan sa hilagang kanluran ng
Barangay Sering, na kung saan, natatanaw ang hilagang bahagi ng Isla Bucas Grande.

BASAHIN  PCUP, DOLE nagbukas ng internship program para sa 19 na mga kabataan


Noong 2019, nagsimulang mag-imbestiga ang DENR sa mga aktibidades ng SBSI na
lumabag sa kasunduan.

Ito ay katulad nang pagbabawal sa mga hindi miyembro ng organisasyon na pumasok sa lugar, paglalagay ng checkpoints, at ang tulad-militar na training sa mga lalaki’t bata, at pagtatayo ng mga gusali sa lugar ng PACBRMA.


Sinabi ng DENR na titnitingnan nito ang posibilidad na resettlement o paglilipad sa mga
residente ng lugar, sa pakikipagtulungan ng Departments of: Interior and Local
Government, Social Welfare and Development, Human Settlements and Urban
Development, provincial government, at iba pang ahensya ng gobyerno.


Iniimbistigahan ngayon ng Senado ang mga pinuno ng SBSI, dahil sa mga bintang na
child abuses, forced marriages involving minors at rape sa mga miyembro nito. Lahat ng
alegasyon ay itinatwa nina Jey Rence Quilario aka Senyor Agila at iba pang opisyal ng
grupo.

BASAHIN  ₱4.4-B, naiambag ng S. Korea sa ‘Pinas

About Author

IBA PANG MGA BALITA

Stay Connected

830,000FansLike
50FollowersFollow
78,000SubscribersSubscribe

KARAGDAGANG MGA BALITA