33.4 C
Manila
Saturday, November 23, 2024

SBSI, Nagbabalak nang rebelyon vs Gobyerno?

KULTONG Socorro Bayanihan Services Inc. (SBSI) nagbabalak nga bang mag-rebelde laban
sa gobyerno?


Ayon sa isang political analyst, ito raw, malamang, ang nasa isip diumano ng mga lider ng
kultong SBSI dahil sa military training na isinasagawa ng mga lalaki na ang pinakabata ay edad
6-7.


Sa imbestigasyon sa Senado kahapon, inilahad ng testigong si Jeng Plaza, na patuloy ang
military training sa Sitio Kapihan, Socorro, Surigal del Norte, na kung saan matatagpuan ang
headquarters ng SBSI.


Tinawag daw silang “Soldiers of God”, may cluster ang mga sundalo. Ang pinakamataas ay
ang Agila, sinundan ng Agnus, Bium, Ciera, Elli, Deo at Fetus. Ang Fetus ay may 650
miyembro at kinabibilangan ng mga batang lalaki, edad 6-7, ayon pa kay Plaza.


Malupit diumano ang lider ng kulto na si Jay Rence Quilario o si “Senyor Agila”. Kapag
sumuway ang mga miyembro, pinalalangoy daw sila sa sa “aroma beach”, o isang hinukay na
lupa na puno ng dumi at ihi ng tao.


Ayon pa kay Plaza, katakot-takot na pagpapahirap sa military training ang dinaranas ng mga
batang sundalo, katulad ng pagbubuhat ng buhangin, pagsasanay ng arnis at masi-masi military
exercise, at pinarurusahang nang mabibigat, gaya nang pagpapalo sa puwit gamit ang replica
ng riple o long firearm, kapag sumuway o nagkamali.


Sinabi ni Senador Bato de la Rosa, Chair, Committee on Public Order and Dangerous Drugs, na
naniniwala siya sa sinasabi ni Plaza tungkol sa military training dahil ang mga pulis o military
lamang ang nakaaalam ng terminong “masi-masi”.

BASAHIN  Panay Island blackout, NGCP, iimbestigahan ng Senado


May mga pagkakataon na tila natulala o nagugulat si Senador Risa Hontiveros, chair ng
Committee on Women, Children, Family Relations and Gender Equality, dahil sa rebelasyon ng
mga testigo, na kinukumpirma ang mga naireport na rape, sexual abuse, forced labor at forced
marriage of minors.


Sinabi ni Hontiveros na sa edad 6-7, dapat nasa grade school o pre-school pa ang mga batang
ito. Mayroon daw 3,560 miyembro ang SBSI na nasa Sitio Kapihan, kasama ang1,587 mga
bata.


Samantala, ayon sa ulat ni Socorro Mayor Riza Rafonselle Timcang, noong 2019, mahigit 800
na mga bata ang nag-drop-out sa paaralan, mula elementary hanggang high school, para
sumama sa kanilang mga magulang sa Sitio Kapihan.


Kinumpirma ito ng testigo na si Alyas Renz, isa sa mga tumakas sa SBSI, at umiiyak na
nagsabing sa edad niyang 12-anyos, hindi pa rin daw siya marunong magsulat, kaya napilitan
siyang tumakas.


Patuloy pa ring bina-validate ng binuong Socorro Task Force ang alegasyon na kinukuha ng
SBSI ang kalahati ng pera mula sa 4Ps na ayuda ng gobyerno sa mga mahihirap, pati na rin
ang 40 percent ng perang pinagbentahan ng bahay at lupain ng mga miyembro.

BASAHIN  21 Kasong kriminal laban sa Kultong Socorro


Ilan pang testigo ang nagpatunay na mayroon diumanong child-marriage at rape sa Sitio
Kapihan – nasa edad 12 anyos, pataas ang mga babae, at 18 anyos, pataas ang mga lalaki.
Bukod sa hindi magkakilala ang mga ikakasal, may ilang kabataang babae ang pilit na
ipinakakasal sa mga lalaking may-asawa.

Dahil daw sa patuloy na pagsisinungaling nina Jay Rence Quilario (aka Senior Aguila),
Mamerto Galanida, Karen Sanico at Janeth Ajoc, mga lider ng SBSI, iniutos ni Senador Bato na
ikulong sila sa premises ng Senador dahil sa contempt at paulit-ulit na pagsisinungaling.

About Author

IBA PANG MGA BALITA

Stay Connected

830,000FansLike
50FollowersFollow
78,000SubscribersSubscribe

KARAGDAGANG MGA BALITA