33.4 C
Manila
Monday, December 23, 2024

Hustisya para sa inabusong kasambahay -Tolentino

SINABI ni Senator Francis ‘TOL’ Tolentino kailangang mabigyan ng hustisya ang 44-taong-
gulang na kasambahay na paulit-ulit na inabuso ng kanyang amo sa Mamburao, Occidental
Mindoro.

“Bilang chairman ng Committee on Justice and Human Rights, ako mismo nakatutok dito e
kasi yung tao ko nga nagpadala na ako ng mga abogado at may hearing sa September 23”,
saad ni Tolentino sa isang interview ng. 95.9 Radyo Totoo-Batangas, nitong Martes.


Ayon pa sa senador, patuloy na minomonitor ng Philippine Legal Justice Center (PLJC), na
siya ang nagtatag, ang demanda ng kasambahay na si Elvie Vergara, na dumanas nang
physical, emotional, at psychological torture sa kamay ng kanyang mga amo na sina Franz
at Jerry Pablo Ruiz, sa loob ng nakaraang tatlong taon.

BASAHIN  Alamin | Sinaunang payo para sa mga magulang na hindi naluluma


Nitong Biyernes, patuloy na nakikipagtulungan ang PLJC sa legal team ni Vergara sa
pagpa-file ng mga kasong criminal laban sa mag-asawang Ruiz.

Kasali sa mga kaso ang paglabag sa Revised Penal Code – serious physical injuries and serious illegal detention – gayundin ang paglabag sa R.A. No. 10361 o ang Batas Kasambahay na isinabatas ni Senador Jinggoy Estrada.


Sa pagdinig sa Senador kahapon, lumabas sa resulta ng polygraph tests na
nagsisinungaling ang mag-asawang Ruiz, ayon sa report ng National Bureau of
Investigation.


Lumutang din ang tatlong bagong testigo kahapon. Ito’y sina Melinda Magno, kasama sina
‘Alias Paopao,’ at Richard Pinto. Hiniling din ni Tolentino sa kapulisan na bigyan ng
seguridad ang tatlo pati na ang mga naunang testigo.

BASAHIN  Gaganda ang buhay sa 2024 – 92% ng Pilipino


“Kaya, dapat taasan ‘yung parusa at siguro dito sa kasong ito siguraduhing makakamit ang
hustisya para kay Manang Elvie, maparusahan yung dapat maparusahan,” pagtatapos ni
Tolentino.

About Author

IBA PANG MGA BALITA

Stay Connected

830,000FansLike
50FollowersFollow
78,000SubscribersSubscribe

KARAGDAGANG MGA BALITA